3 Obvious reasons why most Pinoy Online Sellers Fail

Isa ka ba sa napakaraming Online marketers/sellers o networkers nowadays na walang ibang ginawa kundi mag post sa Facebook Group pages? How long have you been doing this? Is it working? If yes then good for you, if not then you must read this.

If your an active online entrepreneur, I am sure familiar sayo yung mga linyahang ito ng mga online marketers, “PM me for interested”, “Comment how” , “Type yes to learn more” and yung pinaka malupit “Hanap mo ba ay extra income?”. Pamilyar ba? Possible na very familiar ka dahil nagkalat ito actually sa mga Group pages and probably guilty ka pa nga of doing some of these as well. But that’s ok, you weren’t aware before, na may mas better way, These list will be short, and to the point so keep reading.

Let’s get this on, here are the three most common reasons these online entrepreneurs fail:

 No. 1 – Lack of Website

Kung ang business mo is online, having a website is more than essential. This one is very obvious mistake, some may claim success without having one – but I strongly believe to truly reached for your income potential, you must have brand online, a brand na nag rerepresent sayo or either sa business mo. I cant stress enough why do these online sellers are not investing their time to build one, given na nowadays, hindi naman ganun na kamahal to build one. You can actually use free service pa nga. Here’s bulleted list at the top of my head right now kung bakit mo kailangan mag setup ng online presence mo.
Its serves as the homebase or headquarter of all your internet marketing efforts. With your website, your audience will have a one place to go to learn more about your product/service.
It give you the chance to showcase your business with the chosen words you would like to describe it, how? because after all ikaw yung author and you can be as good as you can to sell your business.
It can help boost your credibility.
Separates you from the rest that operate from the ground without actual online presence.

 No. 2 – Lack of enough Contents (o mga Explainers)

If ang business mo is online, you’ll need a ton of this. Internet is a naturally noisy platform, maingay pa sa palengke. Ang audience mo ay consistently distracted from all sides and corners, and you only have a handful of seconds to get their attention to plant interest. Pero paano mo maccultivate ang audience mo kung wala ka man lang contents about features and benefits ng binebenta mo? Pati pag sulat man lang ng description ng products ay madalas na kina katamaran pa. Edi wala din.

Di ninyo ba napansin halos lahat ng mag nag cclaim n nag succeed sa Internet business ay sandamakmak sa dami ng mga articles online? Kali kaliwa ang publications outlet, why because – Content is King! Alam ko mahirap mag produce, but if you really want to succeed gagawa ka ng paraan.

Problema rin kasi karamihan, gusto nila i explain na lang sa customer nila harap harapan, tamad mag sulat – mali yun mas marami ang may chance makabasa ng kwento mo if you are going to put this on writing. Don’t be scared, hindi naman kailang perfect ang mga sulat mo, ang mahalaga, ginawa mo ang best mo na masend yung message about sa best features ng products mo.

No 1. Benefit ng may content? Your content can do the explanation while you sleeping. lLterally. Hindi ka naman online minu minuto, Having a content inplace will help you sell your products kahit offline ka.

 No. 3 – Lack of Sales Funnel

Okay, this seems to be advance na sa iba, and maaring hindi pa nga pamilyar sa term. Nag promised ako na maigsi lang tong post na to, but i’ll give a primer anyway.
Ang Sales Funnel, sa madaling salita ay isang paraan o modelo ng pagbebenta ng produkto o serbisyo. Isa ito sa mga pinaka epektibong technic na ginagamit ng mga professional marketers and sellers sa buong mundo. As the name suggest parang imbudo kung saan daraan ang mga customers mo.

Isa sa mga pinaka tipikal na sales funne model ay A.I.D.A flow, this means:

– Awareness
Ito yung unang phase na kung kung saaan ang iyong prospect ay unang natuklasan ang iyong business, maaring mag mula ito sa mga facebook post mo, blog post mo, or word of mouth, kaibigan o di kaya naman sa mga advetisements na ginawa mo.

– Interests
If naging succesful ang phase 1 mo at nakapag bigay ka ng curiousity sa iyong product or service, Congratulations at nadala mo ang iyong customer sa Phase 2 na kung saan nag build na ang kanyang interest to learn more about sa business mo. Sa phasena ito, ibibigay mo ang buong detalye tungkol sa inoofer mo. Ito na rin ang iyong best chance to cultivate yung initial interest na ipinakita niya sa phase 1.

– Decision
Matapos mo maexplain ang lahat ng benefits, ito na yung phase kung saan nag decide na ang customer mo nag start na siyang mag consider. Napaka kritikal ng stage na ito. Dahil kahit na build mo na ang foundation of trust nila sa iyo from 1 to 2, may chance pa rin namag backout sila. Isa sa mga epektib na content for this phase ay ang mga kwento ng mga previous customers mo. Marami pang ibang pwede magamit sa stage na ito but isa sa mga effective aya mg pag share mo ng mga testimonial from previous clients mo.

– Action
Nagawa mong magbigay ng curiosity, na gawa mo na i cultivate mo ang kanilang interest and finally na convince mo sila na mag desisyon. Ang Action phase ang pinaka mahalagang phase sa lahat. Ito ay ang pag bigay mo ng oppurtunity for your customer to take the action to purchase, sign up, or simply get listed. Taking action should be simple, fast and easy sa customer side for a succesfull closure ng sales.

Ang mga sales funnel ay kadalasan 1 HTML page lang. One pager that holds all the Information your customer needs, the goal of these one page is to get you customers to take Action at the end of your explainer materials.

 Recap:
1. You need a website to build presense, credibility and hub ng lhat ng marketing effort mo.
2. You need contents to actuall sell your product/service in detail
3. You need sales funnel to guide your audience to take action and eventually purchase you product/service beign offered.

If you like this post, please hit Like.
Share the love. Share it to your friends especially to those who want to sell or currently selling online.

By the way I host an Online Sellers Group, Buy and Sell and sharing ng mga tips and trick how to sell online. Join ka pag may time ha.

https://www.facebook.com/groups/135676530307970/

I have 2 next content I am working on, Can you help me which topic should go write first?

1. Free ways for Pinoys to build online presence
2. List of FREE Marketing Tools that marketers actually used.

Comment lang yung number, Thanks, and God bless.

About the author / makdiose

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *